04 February 2010

i think i saw a crime.

ngayong araw, Pebrero 5, 2010, sa ganap na 9:50 ng umaga...
isang paningin ang palagi ko namang nakikita...
ang canteen.
punong puno ng mga kabataang nguunahan para sa masebo at mamantikang bread roll...
bakit ganon?
hmm...NVM
ako'y bumili ng inumin, uhaw!
nasa harap ko ang dalawang 1st year students...
tila sumingit lang.
at sa aking likod naman,
isang lalaki...
nasa pinaka mataas na baitang...
nakadikit ako sa pader ng canteen ng nagsabi siya ng...
"excuse me"
dahil sa taglay kong kabaitan...
pinabayaan ko na siya...
umurong ako sa kinatatayuan ko.
at DUN NA NAGANAP....
dali dali niya pinagkukuha ang mga tsokolate sa canteen...
nagulat ako.
at ang tanging narinig ko na lang na sinabi ng dalawang 1st year's
ay...
"mga fourth years pa naman sila!"
mga salitang may halong paguuyam!
(tama ba?)
nakakagulat...
nakakadismaya...
nakakatrauma.
grabe, bakit niya ginawa iyon?
ano ang kanyang motibo?
gutom ba siya?
inutusan lang kaya siya?
klepto ba siya?
ilang tsokolate ang kanyang nakuha?
bakit niya ito kinuha?
cream-o-holic ba siya?
bakit ganun lang ang reasksyon ko?
bakit walang manang na nagtitinda?
ilang beses niya na itong ginawa?
bakit ako pa ang kailangan makakita?
kaya ba niya ito kinuha dahil may pamilya at kapatid siya nagugutom?
bakit?
bakit?
bakit?

hay nako! ganyan na ba kahirap ngayon...kaya in public places pa sila nagnanakaw? bakit?! may pera naman siguro sila noh?...itigil mo na yan. maraming bunganga pa ang kayang pakainin ng mga tsokolateng nakuha mo...sayang! hmm...

1 comment: