18 November 2009

l.o.v.e. - ai! lande!

1. false love - haha! mga taong nag-aasume, at nag-papaassume... ung mga tipong, bigla bigla na lang umuusbong...usually nabubuo sa pangasar-asar ng mga kaibigan, tpos...magpapadala, un love na! pero dahil sa mga ganitong instances nabubuo din ang false love. maling akala. masaya sa una, tapos hiwalayan na. parang utot, matapos singhutin...wala na! ganyan ang false love. meron din naman, ung one sided love...isa lang ung nagmamahal habang ung isa, papaasahin siya ng pagkatagal-tagal, tapos biglang magsasabi na "hindi tayo bagay!" o kaya "meron na akong iba" - masaket dba? sana meron nalang siya bunutan kung sino ang sasagutin/liligawan niya para walang naghihintay!

2. physicality...haha! - sabi ko kanina sa english class namen. 'sa tingin ko, physical appearances do matter, kase dun mu makikita o maipapahayag ang first impression mo sa tao.' tama naman diba? siyempre, magmuka ka namang presentable... palagi nilang sasabihin, "what matters is the inside" bakit kaya? pag first time ba kayo magkikita, sasabihin mo "ui! patingin ng inside mo!" haha! diba hindi naman?... pero minsan sumusobra rin naman tayo sa pag judge, ako. inaamin ko, sobrang judgmental ako...at aminado ako don! maging totoo kayo sa sarili nyo, kung panget..edi panget! kung gwapo/maganda edi go!...

Girl Ganda + Boy Gwapo = Match Made in Heaven
Girl Ganda + Boy Panget = Magaling Dumiskarte!
Girl Panget + Boy Gwapo = Magaling Mamikot!
Girl Panget + Boy Panget = No Choice!

hahaha! kidding!

3. differential love - para ding false love. pero dito may benefits na...e2 ang isang sitwasyon..

Boy: Ui! pede ba magpaturo ng Geometry sa'yo mamaya? 
(anong iniisip ni lalake? kailangan kong pumasa dito!)
Girl: Sige, ikaw pa! 
(anong iniisip ni babae? yes, magpapaturo siya sken...gusto niya talaga ako!)

ibang iba talaga...beneficial pa nga ang tawag dito eh. mostly ganyan na ang nagyayare satin ngaun... parang magpapakasal ka sa isang matandang bilyonaryo tapos hihintayin mong mamatay siya! ang iniisip ng isa ay kung paano siya manglilinta, tapos ung isa naman akala totoong love na. KAMON! wag naman tayong ganyan! sabi nga nila "pera ang gumagawa ng ganda, pero sabi naman ng iba ganda nila ang gumagawa ng pera!" haha! one sided din to... pero pagkatapos niyang kunin lahat ng pwede niyang kunin, iiwanan ka...tapos sa iba nanaman siya lalandi!

4. choosy - ung mga tipong ganito

Girl: *nagdadasal* Lord, sana po makita ko na ang dream guy ko! at para po di na kayo mahirapan e2 na po ang picture niya! *sabay pakita ng picture ni Piolo, Sam, Jericho, DingDong, Dagul, Empoy, Long at kung sino sino pa!*

dinamay mo pa si GOD! anung klaseng nilalang ka?! wag na tayong magdeny... siyempre ung mga iba jan, nagaantay lang ng radar nila kung may maganda/gwapo malapit sa kanila..diba? choosy nga, binigyan ka na nga..pero aiaw mo pa! haha!

5. Question-your-self - katulad nga ng nalaman ko sa youth camp namin... palagi mong tatanungin kung anong mapapala mo dito... o kaya "ako na ba talaga ang lalaki ng buhay niya?" o "baka naman may mas maganda at mabait pa ako makita jan, diba?" o kaya "baka iwan niya lang ako...". TAMA! itanung niyo lahat yan, at kung anu2 pang importanteng bagay ang itanung niyo sa sarili niyo! wag tayong tatanga tanga - kaya nga lang, pag inlove ka na...aun! natatanga na ang mudo mo! bakit ganun? ano ba talaga ang love? mabuti o masama?...hmm! lahat naman tayo, pag nasaktan na..mahirap ng maibalik ung "trust" kaya may natotorpe, at natatakot at nacocompuz! diba? hindi masama ang pagmamahal...may mga pagkakataon lng na absent ang kabutihan. 

||ang haba na nito! auko na! napiga utak ko...hyper kase ako ngayon eh!||



No comments:

Post a Comment